Two linguistics lessons
NOONG early 1980s, matapos kong itatag at panguluhan ang Pangkapatirang Lipon at Ugnayan ng mga Manunulat sa komiks or PLUMA, tumanggap ako ng paanyaya mula kay Dir. Pineda ng Surian ng Wikang Pambansa (ngayo’y dissolved na), na nagsasabing magpoform kami ng isang lupon tungkol sa pagsasapamantayan ng Tagalog-based Pilipino.
After nga ng maikling pulong na ginawa sa isang function room ng isang Quezon City hotel, na ang nakararaming dumalo ay mga media practitioners in the vernacular, nabuo ang Lupon sa Isinasapamantayang Pilipino or LIPI.
Iyon ay isang short-lived affair, gaya ng aking inasahan. Imagine naman ang self-assigned task ng LIPI, ang pagsasapamantayan ng noon pa man ay itinuturing nang wikang pambansa ng Pilipinas. Hindi ko naiwasang maitanong sa sarili, “Ano ang ginagawa ng isang tulad kong taga-komiks and a college dropout sa grupong ito? Kaya ko ba ang gawain ng isang member of a Pilipino standardization board?”
* * *
Hindi sa ako ay nachallenge lang kundi nagprevail talaga sa akin ang instinct of curiosity. Mabilis akong nagresearch at nagself-study sa linguistics. Nireview ko ang Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos na textbook ko sa second year high school, gayundin ang maraming college grammar books sa Pilipino and American English.
Anupat matagal nang nadissolve ang LIPI, gayundin ang Surian ng Wikang Pambansa dahil sa 1987 Constitution na mayroon nang bagong language mandate, ay patuloy pa rin ang pag-aaral ko ng linguistics, kasabay ng trabaho ko for more than twenty years bilang komiks writer, romance novelist (as Maria Elena Cruz), pocketbook and magazine editor, and tabloid columnist.
* * *
Dalawang important lessons sa linguistics ang naging culmination ng aking pagsasaliksik at pag-aaral.
Una, walang sino mang tao, grupo ng mga tao, associations, or instititute ang merong kakayahang bumago sa grammar o balarila ng anumang original language gaya ng Tagalog, now Filipino, dahil ang grammar ay tulad sa logic and mathematics na siya mismong standard ng isang wika.
Pangalawa, nababago, and therefore, naisasapamantayan ang usage, spelling and pronunciation of the words comprising a language lexicon sa tulong ng multimedia technology (newspapers, dictionaries, radio-tv, and the Internet) but only for a given time or period, and subject to popular approval and acceptance.
Kahit hindi nagbabago ang grammar, patuloy naman sa di-mapigil na pagbabago at pagdevelop ang mga spoken and written words. Maging ang mga idioms ay napupunta at nawawala sa uso, wika nga.
* * *
Looking back, masasabing hindi talaga kailangan noon, ngayon, at kahit na kelan ang isang standardization board like LIPI, habang ang konsernado ay isang original language like Tagalog, na naging Pilipino then, and now Filipino.
Kung gayon, bakit ang advocacy ko ay ang standardization of Taglish into Pinglish? E kasi, hindi ito isang original kundi isa lang improvised language begging standardization. As of now, Taglish is neither here nor there, sabi nga. None-entity pa ito although ginagamit natin as lingua franca nationwide.
Inaadvocate ko na ito ay ilagay na natin (repeat, NATIN) sa standard para maging more useful in the concerted task of nationbuilding. Madali lang itong gawin. Tagalog grammar lang ang gamitin natin sa pagta-Taglish at magiging nasa standard na ito automatically. Common sense lang, di ba?
Thursday, October 18, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment