Friday, January 30, 2009

Fate or choice?

CHOSEN by the Surian ng Wikang Pambansa in the late1930s to be the best foundation of our national language, ang Tagalog ay tinang-hal na ngang wikang pambansa at ngayo'y tinatawag na "Filipino" offi-cially by virtue of Article XIV, Section 6 of our 1978 Constitution. Now ha-bang ito ay nag-ievolve, patuloy itong ini-enrich at dinidevelop by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), "on the basis of existing Philippine and other languages," carrying on the constitutional mandate.
Ngunit ang de jure evolution and development na ito ng Filipino ay nagkaroon ng informal counterpart, starting at the time na ang Tagalog vocabulary ay ini-enrich by emerging English-based loanwords and phrases like istambay from stand by; tsikenpid from chicken feed; awt-sayd de kulambo from outside the mosquito net; ander de saya / teybol from under the skirt / table; hapi ending, tenkyu, welkam, kendi, tsiklet, babolgam, tsokoleyt, donat, basketbol, beisbol, boling, haiskul, ang other Tagalized English words. Although naging bahagi na rin ng Filipino nang magtagal pa, ang mga salitang ito ang bumuo sa panimulang vocabulary ng wikang kung tawagin ngayon here and abroad ay Taglish, the lingua franca of Metro Manila and the present-day generation of Filipinos.
Maituturing na ang Taglish ay isang informal evolution of Tagalog. Sapagkat kusa itong nag-emerge at naging wika natin without the benefit of government and academic backing. But on the other hand, maaari ring ikunsider na ang Taglish today ay isang variety of English, sa dahilang ang grammar nito ay pinagsamang English and Tagalog, and practically all English words ay usable as and qualified to be part of its vocabulary.
Because of the richness of its vocabulary and the size of its users, now approximately 90 million Filipinos, bakit hindi na lang Taglish ang gawin nating national language-- kung talagang kailangan nating mag-karoon nito as an independent people? Para akin, mas Pilipino pa ang Taglish kaysa alin mang regional language in the Philippines today, including Tagalog itself na isa sa dalawang wikang pinagmulan nito, the other one being English. Because now ang Taglish ay spoken nation-wide.
If Tagalog, now Filipino, ang ating chosen language, Taglish naman ang ating native tongue by act of fate. Sa umpisa ay hindi ito naging katanggap-tanggap; diniscourage pa nga ng ating mga education leaders sa pagsasabing ito ay isang illegitimate language na walang kalalagyan. Magkagayunman ay nagpatuloy ang expeditious Taglish development hanggang sa maging lingua franca na nga ito ng National Capital Region, at gamitin ng mga Filipinos from all walks of life.
Believing na mas madaling matutupad ang constitutional linguistic goal by accepting our fate rather than pursuing our choice, nag-embark ako sa isang advocacy in 2001: The standardization of Taglish as Pinoy English or Pinglish, more for love of country than just academic pursuit. Pagkat wala na ngang wikang mas Pinoy pa kaysa Taglish.
In a nutshell, maisasapamantayan natin ang Taglish as Pinglish by using Tagalog syntax more in its grammar. As a preliminary, ang pagpa-paliwanag nito ang naging mission ng aking "Pinglish Talk" column for almost seven years sa pahayagang Tempo. Palagay ko'y mag-aagree ka na somehow ay naging "mission accomplished" ang pitak na iyon pagkat ngayon ay hindi na ikinahihiyang gaya noon ang pagsasalita ng Taglish. In fact ito na nga ang pinaka-widely used language sa ating bansa, at isa nang social equalizer. Lahat tayo ay nagta-Taglish na. Isinisigaw ng mga broadcasters sa pagbabalita ang salitang "nationwide" at hindi na tayo nagbabother pang "Filipinuhin" ang mga words such as narealize, nadevelop, nag-explain, inaaddress, etc.
Naging isang trailblazer ang "Pinglish Talk" at ang column na ito ay isang sequel to it, to use Pinglish more extensively upang ultimately ay maging official national language natin ito-- no longer just by fate but also by choice.