Saturday, October 20, 2007

Pampalaugnayang Kayarian
(Syntactic Structure)

A SENTENCE is a word or group of words that expresses a complete thought. Sa Filipino, ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na naghahayag ng isang buong diwa.
Bakit hindi sentence ang sumusunod na lipon ng mga salita:
1. Maliwanag na buwan,
2. Magandang dalagang naglalaba sa ilog, at
3. Ang bundok na kulay-asul?
* * *
Kasi, ang mga ito ay hindi nag-iexpress ng isang complete thought. Although syntactic phrase ang “Malinawag na buwan,” wala itong kayarian at hindi pa isang independent structure. Ganoon din ang dalawa pang sumunod na sugnay or clauses. Bagaman tama ang palaugnayan or syntax, hindi pa finish structures ang mga ito para maging pangungusap na nag-iexpress ng isang buong diwa.
In other words, wala pang sense and significance ang mga naturang grupo ng mga salita.
* * *
Kompletuhin natin ang istraktura ng mga grupo ng salitang ito para maging sentences, as in:
1. Maliwang ang buwan.
2. Maganda ang dalagang naglalaba sa ilog.
3. Kulay-asul ang bundok.
Mayroon nang complete thought ang mga lipon ng salitang ito pagkat nasa tama nang pampalaugnayang kayarian or syntactic structure.
Tanong: Ano bang magic mayroon ang katagang “ang”? Bakit nagkaroon ng sense and completeness ang “Maliwanag na buwan” nang mapalitan ng “ang” ang “na?”
Ganoon din sa “Magandang dalagang naglalaba sa ilog.” Nagsingit lang tayo ng “ang” between “Maganda” and “dalaga,” ayos na. Bakit kaya?
* * *
Bago pa man inintroduce ni linguistics Prof. Noam Chomsky in the early 1950s ang idea about transformational grammar sa aklat niyang “Syntactic Structure,” tayong mga Pilipino, especially the Tagalogs, ay matagal nang may implicit know-how tungkol dito. Hindi pa natutuklasan ng sino mang linguist ang transformational grammar, tayong mga Pinoy ay expert na rito, pagkat ginagamit natin ito sa pagsasalita araw-araw.
Tama ang kayarian or syntactic structure ng “Maliwanag ang buwan” pagkat ito ay grammatical transformation of “Ang buwan ay maliwanag.” Iba ito kaysa passive-active voice sentence transformation, although may syntactical similarity. Gaya rin ng “Jimmy’s shoes” na syntactical conversion ng “shoes of Jimmy.”
Sanay tayo sa transformational grammar dahil essentially, as I have theorized in previous columns, laging “ay-sentence” ang ating mga pangungusap. For semantical reason, binabago natin ang ating syntax para maging “ay-less sentence” ang mga ito. Like in, Ito ay sa iyo - Sa iyo ito; Ikaw ay guwapo - Guwapo ka; Ikaw ay masaya - Masaya ka; Ikaw ay mahal ko - Mahal kita, etc.

Thursday, October 18, 2007

Kinakalaban ba natin ang KWF

SA pagsasapamantayan ng Taglish as Pinglish—or as Filipino, if you please—kinakalaban ba natin ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) o ang mismong Wikang Filipino, na ayon sa ating 1987 Constitution ay (Taglish translation): “Ang national language of the Philippines ay Filipino. Habang ito’y nag-ievolve, patuloy itong idedevelop at pagyayamanin on the basis of existing Philippine and other languages.”
No. Ang ating ginagawa ay hindi pagkalaban sa KWF kundi isa lang ongoing proposition: Na ang standardization ng Taglish ay the fastest and surest way para madevelop at maenrich ang Filipino, as envisioned by the Constitution.
` Why the fastest? Sapagkat ang lahat (repeat: LAHAT) ng inherent Tagalog, Tinagalog, and English words ay iaadopt natin in their original standard form in accordance to implicit Tagalog grammar or balarila, for all intents ang purposes.
Mayroon pa bang mas bibibilis pa sa process na ito? In fact nga, hindi na natin kailangan pang retokehin ang Abakadang Tagalog. At kung talagang kailangang baguhin, isimplify na lang natin ito further by taking out the digraph letter “Ng” para magkaroon tayo ng 19-letter instead of a 20-letter Abakada. And then, for truth and realism sake, iadopt natin ang letters Cc, Ff, Jj, Ññ, Qq, Vv, Xx, and Zz as mga kaabakadang titik, or simply mga katitik.
With this simple technique, marereduce natin by half ang time and efforts sa standardization ng Taglish. And not only that. Bukod pa sa maiistandard natin ito ay maiintellectualize pa overnight.
Sinasabi ng mga taga-KWF na ang ganito ay katamaran daw. Katamaran bang gumamit ng computer sa halip na typewriter? O magjetplane to America instead of taking a passenger ship?
Perhaps maitatanong: Hindi ba’t ang pinayayaman at dinidevelop natin sa ganito ay Taglish, hindi Filipino? Oo, pero puwede ngang tawagin din nating Filipino ang Taglish, kung ayaw mo ng Pinglish or whatever. Gaya nang inobliterate natin by law ang Tagalog by changing it into Pilipino in 1959 and then into Filipino in 1987.
Another question: Hindi kaya ang wholesale importation of foreign words ay papatay sa Filipino? Nope. Ginawa nila ito sa English. Wholesale and non-stop importation of Latin, Greek, French, Arabic, Japanese, Tagalog and other words from nearly all known and even unknown languages.
Namatay ba ang English?
Ang standardization of Taglish ang pinakasiguradong paraan para macarry-out ang mandate ng Consitution ukol sa Filipino. Why?
Kasi ang gagawa nito ay tayo mismo—ang sambayanan na unang beneficiary ng undertaking na ito. Okay, malaki ang maitutulong ng academe, government (through the KWF), and media. However, kapag sambayanan na mismo ang gagawa ay mas sigurado, mas sure na sure.
Hindi na ako makikipagpolemics sa sinuman regarding this proposition. Ang debate ay pagsasayang lang ng pagod at panahon. But to prove my point, idudulog ko na lang sa sambayanan ang undertaking na ito, gaya nitong ginagawa ko ngayon.
Kahit sa pamamagitan lang ng column na ito ay inuumpisahan ko ang unang hakbang tungo sa standardization of Taglish, na in my opinion ay magkacatapult sa Filipino sa linguistic pedastal na inienvision ng 1987 Constitution para rito.
Sabi nga ni Confucious, “Ang journey of a thousand miles ay nag-uumpisa sa first step.” Marereach mo ako sa rodiemetin@yahoo.com/

Pinglish Talk

Two linguistics lessons

NOONG early 1980s, matapos kong itatag at panguluhan ang Pangkapatirang Lipon at Ugnayan ng mga Manunulat sa komiks or PLUMA, tumanggap ako ng paanyaya mula kay Dir. Pineda ng Surian ng Wikang Pambansa (ngayo’y dissolved na), na nagsasabing magpoform kami ng isang lupon tungkol sa pagsasapamantayan ng Tagalog-based Pilipino.
After nga ng maikling pulong na ginawa sa isang function room ng isang Quezon City hotel, na ang nakararaming dumalo ay mga media practitioners in the vernacular, nabuo ang Lupon sa Isinasapamantayang Pilipino or LIPI.
Iyon ay isang short-lived affair, gaya ng aking inasahan. Imagine naman ang self-assigned task ng LIPI, ang pagsasapamantayan ng noon pa man ay itinuturing nang wikang pambansa ng Pilipinas. Hindi ko naiwasang maitanong sa sarili, “Ano ang ginagawa ng isang tulad kong taga-komiks and a college dropout sa grupong ito? Kaya ko ba ang gawain ng isang member of a Pilipino standardization board?”
* * *
Hindi sa ako ay nachallenge lang kundi nagprevail talaga sa akin ang instinct of curiosity. Mabilis akong nagresearch at nagself-study sa linguistics. Nireview ko ang Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos na textbook ko sa second year high school, gayundin ang maraming college grammar books sa Pilipino and American English.
Anupat matagal nang nadissolve ang LIPI, gayundin ang Surian ng Wikang Pambansa dahil sa 1987 Constitution na mayroon nang bagong language mandate, ay patuloy pa rin ang pag-aaral ko ng linguistics, kasabay ng trabaho ko for more than twenty years bilang komiks writer, romance novelist (as Maria Elena Cruz), pocketbook and magazine editor, and tabloid columnist.
* * *
Dalawang important lessons sa linguistics ang naging culmination ng aking pagsasaliksik at pag-aaral.
Una, walang sino mang tao, grupo ng mga tao, associations, or instititute ang merong kakayahang bumago sa grammar o balarila ng anumang original language gaya ng Tagalog, now Filipino, dahil ang grammar ay tulad sa logic and mathematics na siya mismong standard ng isang wika.
Pangalawa, nababago, and therefore, naisasapamantayan ang usage, spelling and pronunciation of the words comprising a language lexicon sa tulong ng multimedia technology (newspapers, dictionaries, radio-tv, and the Internet) but only for a given time or period, and subject to popular approval and acceptance.
Kahit hindi nagbabago ang grammar, patuloy naman sa di-mapigil na pagbabago at pagdevelop ang mga spoken and written words. Maging ang mga idioms ay napupunta at nawawala sa uso, wika nga.
* * *
Looking back, masasabing hindi talaga kailangan noon, ngayon, at kahit na kelan ang isang standardization board like LIPI, habang ang konsernado ay isang original language like Tagalog, na naging Pilipino then, and now Filipino.
Kung gayon, bakit ang advocacy ko ay ang standardization of Taglish into Pinglish? E kasi, hindi ito isang original kundi isa lang improvised language begging standardization. As of now, Taglish is neither here nor there, sabi nga. None-entity pa ito although ginagamit natin as lingua franca nationwide.
Inaadvocate ko na ito ay ilagay na natin (repeat, NATIN) sa standard para maging more useful in the concerted task of nationbuilding. Madali lang itong gawin. Tagalog grammar lang ang gamitin natin sa pagta-Taglish at magiging nasa standard na ito automatically. Common sense lang, di ba?